Manila, Philippines – Sisilipin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kung may “Grave Abuse of Discretion” o “Misappreciation of Facts” sa pagbasura ng National Prosecution Service O NPS sa drug case nina Kerwin Espinosa at Peter Lim.
Tiniyak din ni Aguirre na reresolbahin nila ang nasabing isyu sa lalong madaling panahon.
Hindi naman nagbigay ng timeline ang kalihim kung kailan matatapos ang kanyang pag-review sa resolusyon.
Una nang umani ng binatikos ang pag-absuwelto ng NPS sa drug case laban kina Espinosa, Lim, Peter Co, Lovely Impal at Max Miro.
Nag-ugat ang kaso sa pagkakasangkot ng mga respondent sa illegal drug trade sa Visayas Region.
Facebook Comments