DISMISSED DRUG CASE | Subpoena powers, gagamitin ng CIDG sa kaso nina Espinosa at iba pang drug personalities

37

Manila, Philippines – Gagamit na ng subpoena powers ang PNP CIDG sa kaso nina Kerwin Espinoza, Peter Co, at Peter Lim at iba pang drug personalities Ito ay matapos na ibasura ang reklamo laban sa mga drug personalities na ito. Ayon kay PNP CIDG Chief Police Director Roel Obusan ang subpoena powers ay hindi gagamitin kay Kerwin Espinoza dahil suspek na ito sa kaso. Gagamitin aniya ito sa iba pang testigo para mas mapalakas ang ebidensya laban kay Kerwin Espinoza. Pero sa ngayon hinihintay muna nilang matapos ang guidelines para sa pagpapatupad ng subpoena powers. Sa ngayon, hihintayin rin nila ang desisyon ng prosecution panel ng DOJ kaugnay.

Facebook Comments