DISMISSED | Higit 700 pulis, na-dismiss sa serbisyo – NAPOLCOM

Manila, Philippines – Umabot na sa 754 na pulis ang na-dismiss sa serbisyo dahil sa iba’t-ibang offenses mula nitong hulyo 2017.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao – ang pinakamataas na police official na kanilang na-dismiss ay nasa ranggo ng Police Superintendent.

Karamihan aniya ay police non-commissioned officers.


Ani Casurao – extortion, physical injuries at violence against women and children ang kadalasang kasong isinasampa laban sa mga pasaway na pulis.

60 administrative cases laban sa mga pulis ang isinasampa sa PNP kada buwan.

Kumpiyansa naman ang napolcom na kayang punan ng PNP ang mga nabakanteng posisyon.

Facebook Comments