Personal na dumalo ngayong hapon si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa preliminary investigation (PI) sa Department of Justice (DOJ).
Kaugnay ito sa mga kinahaharap na patung-patong na kaso ng sinibak na alkalde.
Partikular na dininig sa PI kanina ang reklamong perjury, falsification by notary public, obstruction of justice at paggamit ng falsified o pinekeng mga dokumento.
Inirereklamo ang dating alkalde dahil sa pagsusumite nito ng kontra-salaysay o counter affidavit na ipina-notaryo kahit wala na pala siya sa Pilipinas.
Matapos ang preliminary investigation, agad din namang ibinalik si Guo sa Pasig City Jail kung saan siya nakakulong.
Facebook Comments