Dismissed Mayor Alice Guo, ikinwento sa Senado ang naging pagtakas sa Pilipinas

Kinumpirma ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang naunang pahayag ng pinakilala nitong kapatid na si Shiela Guo na tatlong beses silang sumakay ng sasakyang pandagat bago nakarating sa bansang Malaysia.

Sa pagdinig at mga pagtatanong ni Senator Risa Hontiveros ay inamin ni Guo na isang Chinese national ang tumulong at nag-facilitate sa kanilang pagtakas sa bansa noong Hulyo.

Sa paglalahad ni Guo, mula sa isang pantalan sa Maynila ay sumakay sila ng yate na sa kanyang tantya ay bago mag alas-10:00 ng gabi at mga ilang oras ay saka lumipat sa mas malaking barko.


Aniya, tumagal sila sa malaking barko ng tatlo hanggang limang araw kung saan nananatili lamang sila sa loob ng isang kwarto.

Matapos ang mga araw na ito ay may nilipatan pa silang isang maliit na bangka at iyon na ang sinakyan nila papuntang Malaysia.

Isa rin aniyang babaeng dayuhan na Asian ang umasikaso sa kanilang noong ilang araw na naglayag sa barko at pinagbawal din ang mga cellphone para sa kanilang safety na pinagdudahan naman ni Hontiveros.

Sa pagtatanong naman ni Senator Jinggoy Estrada, pilit na itinatanggi ni Guo na may Pilipinong tumulong sa kanila para makapuslit palabas ng bansa pero hindi rin ito pinaniniwalaan ng mga senador.

Facebook Comments