Ilang pag-aari ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo na isinama sa freeze order ang ikinokonsidera sa inihaing money laundering case laban sa dating alkalde at 35 pang indibidwal.
Sa pulong balitaan kanina, sinabi ni Deputy Director Adrian Arpon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) Investigating and Enforcement Department na nasa isandaang milyong piso ang halaga ng pera sa inihaing 87 counts ng money laundering.
Pero aabot sa pitong bilyong piso ang kabuuang halaga kung isasama ang mismong mga ipinatayong POGO hubs.
Sinabi ni Arpon na walang ibang pwedeng panggalingan ng pera kundi sa mga pang-i-iscam.
Inaalam naman kung may iba pang grupo o criminal organization na pumopondo sa mga ito.
Sa ngayon, pinalawig pa ng anim na buwan ang freeze order sa mga ari-arian ni Guo o hanggang sa Enero ng susunod na taon.