Dismissed Mayor Alice Guo, nagsinungaling “under oath” ayon sa isang senador

Iginiit ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada na nagsinungaling “under oath” si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Estrada, nagsinungaling si Guo partikular sa Alisel Aquafarm kung saan sinasabing kasosyo rito si Sual Mayor Liseldo “Dong” Calugay.

Aniya, may nakuha siyang ebidensya na patuloy pa rin ang operasyon ng Alisel Aquafarm.


Bukod dito, marami rin aniya silang sosyo sa negosyo at hindi lang sa POGO kaya asahan na ni Guo na may mga ihaharap siyang mga dagdag na ebidensya na magpapakitang magkasabwat si Alice Guo at Calugay.

Malaki rin ang paniniwala ni Estrada na sa Pangasinan nagtungo si Guo at ang iba pang kasama nito para doon sumakay ng malaking bangka at tumakas palabas ng Pilipinas.

Facebook Comments