Dismissed na pulis arestado sa buy bust operation sa Pagadian City

82

Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng PNP at PDEA ang isang dating pulis matapos na ikasa ang kanilang buy bust operation sa Pagadian City kahapon.

Ayon kay PNP ARMM Spokesperson Police Captain Jemar Delos Santos ang dating pulis ay kinilalang si Police Staff Master Seargent Ricky Usman Sabturani.


Sinabi ni Delos Santos si Sabturani ay sinibak sa serbisyo noong May 2019 dahil sa nagpositibo sa isinagawang drug test ng PDEA region 9.

Bukod kay Sabturani may apat pang indibidwal na inaresto sa ikinasang buy bust operation.

Nakuha sa kanila ang malaking halaga ng shabu at pera.

Facebook Comments

From Advertisers