Dispalinghadong communications equipment, isa sa mga sinisilip na dahilan sa nangyaring misencounter sa Samar

Samar – Kukumpirmahin ng Board of Inquiry (BOI) ang ulat na dahil sa lumang communication equipment kaya hindi naging maayos ang koordinasyon ng mga pulis at sundalo na nauwi sa misencounter sa Santa Rita, Samar.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Chief Colonel Noel Detoyato, mayroong mga proseso at mekanismo na makatutulong na malaman ang dahilan ng misencounter.

Aniya isolated case ito at tiniyak ng walang mangyayaring cover-up sa imbestigasyon.


Sabi naman ni PNP Chief Oscar Albayalde, isa sa tutukan ng imbestigahan ng BOI ay kung sinunod ng mga pulis ang tamang proseso sa pakikipag-ugnayan sa militar kapag may operasyon.

Plano naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na bisitahin ang burol ng mga napaslang na pulis kasama ang army para magpakita ng simpatya at suporta.

Facebook Comments