Dispatcher, Timbog sa Kasong Tangkang Panggagahasa

Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga otoridad ang isang dispatcher na wanted sa batas matapos isilbi ang mandamiento de aresto nito sa Barangay Dalig, Antipolo City, Rizal.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni judge Pablo M. Agustin, ng RTC Branch 4, Tuguegarao City at nadakip ang akusado na kinilalang si Diogenes Lozano, 56 taong gulang, may asawa, dispatcher at residente ng brgy. Palayag, Amulung, Cagayan.

Si Lozano ay itinuturing na Top 8 Most Wanted Person municipal level dahil sa kinakaharap na kasong attempted rape.


Nasa halagang Php120,000.00 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Pansamantalang dinala sa Antipolo City Police Station ang akusado at anumang araw ay ipapasakamay na ito sa Amulung Police Station sa Lalawigan ng Cagayan.

Facebook Comments