Dispatser ng bus patay sa pamamaril sa bayan ng Makilala North Cotabato

Isang dispatcher ng bus ang namatay ng pagbabarilin sa Purok Rambutan, Barangay Old Bulatukan, sa bayan ng Makilala, North Cotabato kaninang alas singko ng umaga. Kinilala ang biktima na si Ruel Bain residente ng nasabing lugar at dispatcher ng Metro Shuttle Bus sa Overland Terminal sa Kidapawan City.
Nakatayo lamang ang biktima sa gilid ng kalsada ,nag-aabang ng bus ng ito ay pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin. Kalbre 45 pistola ang ginamit na baril sa pagpatay sa biktima. Kaagad tumakas ang mga suspek matapos maisagawa ang krimen.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments