Displaced families sa Marawi City lilipat na sa transitional shelters!

Sa buwan ng Marso ng taung kasalukuyan nakatakdang lumipat sa temporary shelters ang nasa 1,149 families na lumikas bunsod ng naganap na giyera sa Marawi city, ayon ito kay National Housing Authority general manager Marcelino Escalada Jr..

10 hanggang 20 housing units ang ipamamahagi kada dalawang linggo hanggang ma-ukupa ang 1,149 units.

Ang nasabing housing units ay nakapaloob sa 11 ektaryang lupain, mayroon itong school buildings, madrasah, wet at dry market, mosque, water supply at multi-purpose hall.


Ang konstruksyon ng temporary shelters ay bahagi ng recovery, reconstruction, and rehabilitation program ng Task Force Bangon Marawi.

Nitong Martes nang pangunahan mismo ni PAngulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng 400 certificates of acceptance and occupancy para sa transitional shelters sa Barangay Sagonsongan, Marawi City, 4 at kalahating kilometro ang layo mula sa sentro ng Marawi city.(photo credit:bpiarmm)

Facebook Comments