Displaced OFWs na nakabalik na sa PH, umabot na sa 605,000 – DOLE

Patuloy na dumarating sa bansa ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, tinatayang nasa 30,000 hanggang 40,000 displaced OFWs pa ang inaasahang ire-repatriate.

Sa ngayon aniya, aabot na sa higit 605,000 OFWs ang natulungang makauwi sa bansa.


Sinabi ni Bello na maraming OFWs ang makakabalik sa kanilang trabaho abroad.

May ilang OFWs naman ang nagpasyang manatili sa bansa lalo na at kabilang sila sa prayoridad ng COVID-19 vaccination.

Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay patuloy na sasagutin ang quarantine, food at transporation services para sa mga displaced OFW.

Ayon sa kalihim, may natitira pang pondo ang OWWA mula sa supplemental budget.

Dagdag pa ni Bello ang pinaikling quarantine period ng mga OFWs mula sa 14-days patungong pitong araw ay makakaluwag sa gastos ng OWWA.

Ang DOLE ay muling hihingi ng supplemental budget habang patuloy ang repatriation ng mga Pilipino abroad.

Facebook Comments