DISPLACED OFWs NG CALASIAO, NAKATANGGAPNG LIVELIHOOD ASSISTANCE MULA SA OWWA

CALASIAO, PANGASINAN – Ipinagkaloob sa mga displaced Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa bayan ng Calasiao ang tulong pinansyal sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa ilalim ng “Balik Pinas, Balik Hanap-buhay Program” ng OWWA, tumanggap ng dalawampung libong piso ang bawat isa bilang suporta ng gobyerno sa mga Returning Displaced OFW matapos silang mawalan ng trabaho sa abroad dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Aabot naman sa siyamnapung porsyento (90%) sa mga dumalong OFW ay mula sa bayan ng Calasiao.


Umaasa naman ang Pamahalaang Lokal at pamunuan ng OWWA na magagamit ng mga benepisyaryo ang tulong pinansyal sa anumang nais simulang negosyo para sa pagbangon ng kanilang pamilya.

Facebook Comments