Displaced workers na planong magtayo ng negosyo, tutulungan ng pamahalaan

Hinihikayat ng Malacañang ang mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya na ikonsiderang magtayo ng maliit na negosyo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pamaalaan ay may sapat na pondo para ipaabot ang loan assistance sa mga nais magpundar ng negosyo.

Maaari aniya silang umutang ng capital sa ilang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA) o Department of Finance (DOF).


Iminungkahi rin ni Roque sa mga walang trabaho na kumuha ng alternatibong entrepreneurial career.

Ang pamahalaan ay nag-aalok din ng online courses sa skills training at livelihood.

Umaasa ang Palasyo na mayroong iba pang alternative work opportunities sa mga displaced worker.

Facebook Comments