Binigyang pagkilala ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga state prosecutors dahil sa mataas na disposition case noong nakaraang taon.
Base sa ulat ng Office of the Secretary of Justice Prosecution Service (OSJPS), mula sa 85.05 percent rate na disposition case noong 2022, tumaas ito sa 89.31 percent rate noong 2023.
Mas mataas din aniya ito sa 53.18% na naitala noong 2021.
Kaya pakiusap ng kalihim, ipagpatuloy lamang ang magandang trabaho para mas maraming kaso pa ang maresolba.
Ang Case disposition ay bilang ng mga naresolbang reklamo na inihain sa DOJ na sumailalim sa preliminary investigation.
Tinutukoy ng state prosecutor’s kung aling mga kaso ang dapat na isampa sa Korte.
Nabatid na bumaba na rin ang pending cases mula sa 1,330 na kaso noong 2019 sa 465 na kaso na lamang noong 2023.