
Pinaboran ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang inihaing motion for reconsideration ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro.
Ito ay hingil sa isyu ng inihaing petisyon ni Senator Koko Pimental hinggil sa usapin ng residency ni Teodoro.
Matatandaan na naunang nagdesisyon ang Comelec First Division na kanselahin ang certificate of candidancy (COC) ng alkalde ng Marikina para tumakbong kongresista ng first district kung saan iginiit ni Pimentel na hindi residente sa nasabing distrito si Teodoro.
Base naman sa desisyon ng en banc, napatunayan na residente si Teodoro ng unang distrito ng Marikina City partikular sa Barangay San Roque.
Kaugnay nito, binaligtad ng Comelec en banc ang naunang desisyon ng First Division kung saan binawi na rin ang suspensyon ng proklamasyon ni Teodoro na nanalo bilang congressman ng first district ng Marikina.









