Disqualification case laban kay Jonvic Remulla, inihain sa Comelec

Naghain ng disqualification case sa Commission on Election (Comelec) ang isang botante laban kay dating Cavite Governor Jonvic Remulla dahil sa umano’y vote buying.

Hiniling naman ng petisyuner na huwag nang banggitin ang kanyang pangalan dahil sa mga banta sa kanyang buhay.

Nilinaw naman ng kanyang legal counsel na si Atty.  Mynoa Refazo-Sto. Domingo na ang paghahain ng kanyang kliyente ng diskwalipikasyon laban kay Remulla ay hindi konektado sa sinumang kalaban nito sa kanilang lalawigan.


Una nang kinasuhan ng paglabag sa omnibus election code ang 10 supporters ni Remulla dahil sa naganap na vote-buying sa Barangay Zapote V, Bacoor City.

Nakuha sa mga suspek ang mga brown envelope na may lamang tig-P200.

Nakumpiska rin ang higit P83,000, mga plastic bag ng baller at notebook na may mga nakalistang pangalan.

Nakumpiska rin mula sa mga naaresto ang mga campaign t-shirts na may pangalan ni Remulla at kapartidong si Jolo Revilla, na muling tumatakbo sa pagkabise gobernador.

Facebook Comments