Disqualification case laban kay presidential candidate Bongbong Marcos Jr., ibinasura ng Commission on Elections

Ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) First Division ang tatlong consolidated disqualification case laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ibinasura ng dibisyon ang pinagsama-samang petisyon nina Bonifacio Ilagan, Abubakar Mangelen at Akbayan dahil sa kawalan ng merito.

Nag-ugat ang mga petisyon sa 1995 tax evasion conviction ni Marcos, na inihain ng ilang martial law survivors na sina Ilagan, Akbayan party-list, at si Mangelen.


Nakasentro ang petisyon sa pagkabigo ni Marcos, na magbayad ng income tax at mag-file ng tax returns habang nasa public office mula 1982 hanggang 1985.

Iginiit pa ng mga petitioner na naiwasan ni Marcos na anak ni dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos Sr., ang lifetime election ban.

Na-acquit ng Court of Appeals si Marcos sa hindi pagbabayad ng buwis noong 1997, pero guilty ang verdict sa paglabag na mag-file ng tax returns.

Facebook Comments