Disqualification case laban kay Sen. Koko Pimentel, binasura ng COMELEC

Manila, Philippines – Ibinasura ng Commission on Elections ang disqualification case na isinampa ni Atty. Ferdinand Topacio kay Sen. Koko Pimentel.

Pinagbigyan ng poll body ang katwiran ni Pimentel na hindi pa nito nakumpleto ang kanyang unang termino bilang senador noong 2007 hanggang 2013 dahil sa election protest.

Matatandaan kasi na si dating Senador Juan Miguel Zubiri ang ika-12 senador na nanalo sa Eleksyon at naka upo pa ito ng 4 na taon bago napalitan ni Pimentel.


Dahil dito sinabi ng first division ng COMELEC, na hindi mag a apply ang 2 term limit para kay Pimentel na ngayon ay muling tumatakbo sa pwesto.

Samantala, wala pang desisyon ang COMELEC sa disqualification case laban kay dating senador Serge Osmena III.

Facebook Comments