Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC), na dedesisyunan nito ang disqualification cases laban sa mga kandidato sa Barangay at SK Elections (BSKE) bago sumapit ang October 30.
Partikular ang kaso ng 35 na mga kandidato na lumabag sa panuntunan sa maagang pangangampanya.
Hindi naman pinangalanan ng poll body ang mga kandidatong kinasuhan.
Bukod sa pagpaskil ng posters, may ilang mga kandidato ang nahuling namimigay ng campaign materials sa mga bahay-bahay.
Facebook Comments