Disqualification cases nina Sen. Koko Pimentel at dating Sen. Serge Osmeña, hindi pa nadedesisyunan ng COMELEC

Manila, Philippines – Wala pa ring desisyon ang COMELEC sa disqualification cases nina Sen. Koko Pimentel at dating Senador Serge Osmeña.

Ayon sa COMELEC, Patuloy pa rin kasi ang kanilang deliberasyon sa kaso ng mga ito kung kaya’t napasama pa rin ang kanilang mga pangalan sa balota.

Sina Pimentel at Osmeña ay kasama sa animnaput tatlong senatoriables na nasa pinal na listahan ng poll body.


134 naman na partylist organizations ang kasama sa final list ng COMELEC.

Facebook Comments