Tinawag na fake news at walang katotohanan ng partido nina Sual Mayor Liseldo Calugay at Vice Mayoralty Candidate Max Millan ang kumakalat na umano’y diskwalipikasyon ng kanilang grupo sa Halalan 2025.
Sa kanilang pahayag online, nilinaw ng mga ito na walang natatanggap na dokumento ang kanilang partido ukol sa diskwalipikasyon na mula umano sa isang Michael Abata at Seselangen Brgy. Captain Clifford Ibanez na tinukoy ng grupo bilang mahigpit na kaalyado ng kabilang partido.
Nanindigan si Mayor Calugay, na may kaalaman ito sa batas bilang dating pulis. Nag-ugat ang isyu sa isang post online na nagsasaad ng disqualification nina Calugay at Millan kabilang ang apat na kapartido nito sa pagka-konsehal dahil sa pagbibigay ng tubig, pagkain at grocery items sa kanilang miting de abanse sa ibat-ibang barangay noong Abril.
Sa huli, umapela si Calugay ng patas at makatotohanang pangangampanya para sa susunod na manunungkulan sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments