Nilinaw ng Commission on Elections o Comelec na hindi pa tuluyang dini-disqualify si Cagayan Governor Manuel Mamba.
Kasunod ito ng desisyon ng Comelec First Division na i-disqualify ang gobernador dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code kaugnay sa paggamit ng pondo ng bayan sa gitna ng spending ban na ipinatutupad dahil sa 2022 elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi pa “final and executory” ang desisyon kaya mananatili pa si Mamba bilang gobernador ng lalawigan.
Wala pa aniyang napapagkasunduan ang En Banc at tanging ang First Division pa lamang ang naglabas ng desisyon.
Sa ngayon ay naghain na ng motion for reconsideration si Mamba para iapela ang kaniyang disqualification.
Facebook Comments