Disqualification ng Partylist groups na Kabataan at Gabriela, iginigiit sa COMELEC ng League of Parents of the Philippines

Hihilingin ng League of Parents of the Philippines (LPP) at Liga Independencia Pilipinas sa Commission on Elections (COMELEC) na maglabas na ng desisyon sa disqualification case laban sa Kabataan at Gabriela Partylist groups.

Ayon kay LPP President Remy Rosadio, naniniwala sila na mga Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP-NPA-NDF Terrorist Front ang dalawang partylist groups.

Ginagamit lang ng mga ito ang Provisions ng Partylist Law RA9741 para ma-justify ang kanilang masamang intensyon na pabagsakin ang pamahalaan.


Paliwanag pa ni Rosadio, nilabag din ng partylist groups ang probisyon ng batas sa pamamagitan ng pagtanggap ng Foreign Assistance at Grants upang maipagpatuloy ang kanilang teroristang gawain.

Bukod pa rito ang panlilinlang sa mga batang volunteer na bahagi ng kanilang electoral struggle.

Pero sa kalaunan ay ginawang terrorist warriors na parte ng kanilang armed struggle laban sa pamahalaan.

Mamayang hapon, magtutungo sa tanggapan ng COMELEC sa Intramuros, Manila ang nasabing mga grupo para ipanawagan ang kanilang kahilingan.

Facebook Comments