Ipinapanukala sa La Union ang karampatang disqualification na makasali sa public bidding ang mga contractor na mapapatunayang may proyektong substandard, non-compliant at hindi kompleto.
Ang naturang hakbang ay pagpapaigting ng wastong pang-aako ng mga contractor sa mga proyekto na pinondohan mula sa buwis ng taumbayan kasabay ng malawakang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects sa bansa.
Dagdag pa sa panukala na tiyakin ng Committee on Finance, Budget and Appropriations at Committee on Public Works and Utilities ang tama at responsableng alokasyon ng pondo partikular sa mga proyektong pang-imprastraktura.
Samantala, nilinaw din na ang mga flood control projects na pinondohan mula sa pondo ng pamahalaang panlalawigan lamang ang direktang iimbestigahan ng Sanggunian at hindi direktang responsable sa mga proyekto na pinangunahan ng national government. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







