Disqualification sa dating Albay Governor at ilang local officials ng Legaspi City, pinagtibay ng Supreme Court

Pinagtibay ng Korte Suprema ang disqualification ng ilang mga local official sa Bicol Region.

Ayon sa Supreme Court, pinagtibay nila ang hatol na diskwalipikasyon laban kay dating Albay Governor Noel Rosal, Legaspi City Mayor Geraldine Rosal at Councilor Jose Alfonso Barizo na nagwagi noong 2022 elections.

Napatunayan kasing lumabag ang mga ito sa Omnibus Election Code kaugnay sa paglalabas ng pondo sa kabila ng umiiral na spending ban dahil sa election period.


Ibinasura din ng SC ang petition-in-intervention ni Al Francis Bichara.

Samantala, kinatigan ng Kataas-Taasang Hukuman ang hiling na temporary restraining orders nina dismissed Cebu City Mayor Michael Rama at Mandaue City Mayor Jonas Cortes.

Sa hiwalay na desisyon ng SC, inatasan ang Commission on Elections na huwag ipatupad ang pagkansela sa kanilang inihaing certificate of candidacies para sa 2025 midterm elections.

Ipinag-utos din ng Supreme Court sa Comelec na magkomento sa petisyon sa loob ng sampung araw.

Facebook Comments