DISQUALIFIED | Labor Sec. Silvestre Bello III, diskwalipikado sa mga pagpipilian bilang susunod na Ombudsman

Manila, Philippines – Diskwalipikado si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga mapipili bilang susunod na Ombudsman.

Base sa rules ng Judicial and Bar Council (JBC), hindi maaring ma-appoint at ma-nominate sa pwesto ang mayroong kinakaharap na nakabinbing kaso sa anti-graft agency.

Lumalabas na may kinakaharap na criminal at administrative case si Bello na isinasailalim pa sa preliminary investigation at administrative adjudication.


Bukod kay Bello, kabilang sa mga nais makaming posisyon ng Ombudsman ay sina Atty. Edna Herrera-Batacan, Supreme Court Associate Justice Samuel Martires, Sandiganbayan Justice Efren Dela Cruz, Special Prosecutor Edilberto Sandoval, Judge Carlos Espero II, Atty. Rey Nathaniel Ifufurung, Atty. Rainier Madrid, Atty. Felito Ramirez at Atty. Rex Rico.

Nabatid na magreretiro na si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa susunod na buwan matapos ang pitong taong termino.

Facebook Comments