Manila, Philippines – Mahigit 100 mga kandidato ang hindi na makakatakbo sa halalan at humawak ng posisyon sa pamahalaan.
Ito ay matapos silang i-disqualify ng Commission on Elections (COMELEC) dahil sa kabiguang maghain ng Statements of Contributions and Expenditures o SOCE sa mga nakalipas na eleksyon.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, dumaan naman sa tamang proseso ang naging pasya ng ahensiya.
Pinaalalahanan naman ni Jimenez ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Mayo 14 na siguraduhin ang paghahain ng SOCE.
Facebook Comments