Distansiya ng mga commuter sa loob ng mga tren at pampublikong sasakyan, babawasan na ayon sa DOTr

Naniniwala ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na malaking tulong sa ekonomiya ng bansa kung magpapatupad sila ng pagbabawas ng distansiya pisikal sa loob ng MRT at mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ang pagbabawas ng physical distancing sa lahat ng mga pampublikong sasakyan ay upang ma-accommodate ng karagdagang mga pasahero.

Paliwanag ng kalihim, upang matulungan na makaahon ang ekonomiya ng bansa, ang physical distancing sa pagitan ng commuters sa loob ng public transportation ay babawasan mula 1-meter hanggang .75 meter simula ngayong September 14, 2020 at kailangang mahigpit na ipatutupad ang “No Face Mask, No Face Shield, No Entry” policy, gayundin ang “No Talking and No Answering Calls” sa loob ng pampublikong sasakyan.


Dagdag pa ng kalihim, na tinalakay sa isinagawang virtual press conference na dinaluhan ng sectoral heads at pangunahing attached agency officials ng Department of Transportation ng bagong pamamaraan na ipatutupad kasunod ng pag-apruba ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na panukalang dagdagan ang mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan na hindi masakripisyo ang kalusugan ng mga ridership.

Facebook Comments