Distansiya ng mga commuters sa loob ng mga tren at pampublikong sasakyan babawasan na ayon sa DOTr

Naniniwala ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na malaking tulong sa ekonomiya ng bansa kung magpapatupad sila ng pagbabawas ng distansiyang pisikal sa loob ng MRT at mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ang pagbabawas ng physical distancing sa lahat ng mga pampublikong sasakyan ay upang maka-accommodate ng karagdagang mga pasahero.

Paliwanag ng kalihim upang matulungan na makaahon ang ekonomiya ng bansa, ang physical distancing sa pagitan ng commuters sa loob ng public transportation ay babawasan mula 1-meter hanggang .75 meter simula September 14 pero mahigpit pa rin na ipatutupad ang “No Face Mask, No Face Shield, No Entry” policy, gayundin ang “No Talking and No Answering Calls” sa loob ng pampublikong sasakyan.


Facebook Comments