Manila, Philippines – Inirekomenda ni Aangat Tayo Partylist Rep. Neil Abayon na magkaroon ng sikreto at madaling paraan ng distress signals ang mga driver ng Transport Network Vehichle Service (TNVS) gaya ng Grab at Uber.
Ito’y para magamit nilang pang-alerto kapag merong insidente ng carnapping, holdapan at iba pang banta sa kanilang buhay upang maiwasan ang nangyaring pagpatay sa Grab driver na si Gerardo Maquidato Jr.
Ayon kay Abayon, pwedeng gawing color-coded ang distres signals.
Halimbawa aniya ang color coded signal na blue para sa medical emergencies at orange alert para naman sa aksidente.
Bahala na anya ang Transport Network Companies (TNCs) na kung paano magiging operational ang kanilang distress signals.
Ang rekumendasyon ng kongresista ay sa harap na rin nang dumaraming insidente kung saan nagiging target ng mga kriminal ang mga sasakyan ng TNVS tulad ng UBER at GRAB.