Distressed OFWs, dumating sa bansa ngayong hapon

Manila, Philippines – Dumating na sa bansa ang panibagong batch ng mga distressed Overseas Filipino Workers galing ng Abu Dhabi.

Bago mag-alas sinco ngayong hapon, dumating ang 52 repatriated OFWs lulan ng Etihad Airways flight EY424 sa NAIA Terminal 1.

Ang Philippine Embassy sa Abu Dhabi ang nagfacilitate ng repatriation ng ating mga kababayan.


Noong nakalipas na 2 linggo, 79 na distressed Filipinos din ang umuwi sa bansa.

Sa kabuuan, umaabot na sa 545 na mga OFWs ang sumailalim sa repatriation program ng ating pamahalaan simula pa noong Mayo.

Karamihan sa mga ito ay pumasok sa UAE bitbit lamang ang tourist visa at biktima ng human trafficking and illegal recruitment.

Facebook Comments