Nakahanda ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ayudahan ang mga pinauwing Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Kingdom of Saudi Arabia.
Ang 110 distressed OFWs ay naapektuhan ng pagsasara ng kanilang pinagtatrabahuhan sa Al Khobar at hindi naibigay ang kanilang sweldo at overtime pay habang ang iba naman ay nagdesisyong umuwi ng bansa dahil sa contract violations ng kanilang employers.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, bibigyang pagkakataon niya ang mga ito na makapagtrabaho sa bansa.
Kinakailangan lamang isumite ng mga ito ang kanilang bio data para sa build, build, build program ng Duterte administration.
Maliban sa job opportunity, pinagkalooban din ang mga nagsiuwiang OFWs ng P20,000 financial aid.
Pansamantalang tutuloy sa OWWA shelter ang mga OFWs na walang matutuluyan dito sa Metro Manila, habang bibigyan naman ng pamasahe ang mga gustong umuwi ng kanilang probinsya.