Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na uunahin nila sa repatriation flights ang distressed OFWs mula sa Abu Dhabi at Dubai sa United Arab Emirates (UAE).
Ang unang chartered flight ay aalis sa UAE sa July 12 kung saan sakay nito ang distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Abu Dhabi.
Habang ang tatlong iba pang chartered flights ay para naman sa distressed OFWs mula Dubai.
Ang tatlong batch na ito ay aalis naman sa UAE sa July 17, 26 at 30.
Kaninang umaga, dumating sa bansa ang mahigit 300 Pinoy repatriates mula UAE kabilang na ang ilang buntis.
Facebook Comments