Distribusyon ng 15,000 cash aid para sa mga small rice retailer, magsisimula bukas sa apat na lungsod sa Metro Manila

Pasisimulan na bukas, September 9,2023 ang pamamahagi ng P15,000 cash assistance sa mga small at micro rice retailers sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, sisimulan ang SLP cash payout sa mga public market sa Quezon City sa Caloocan, lungsod ng Maynila at San Juan.

Bukas ng umaga ay pangungunahan mismo nina Secretary Gatchalian at Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Fred Pascual ang SLP payouts sa Commonwealth Market sa Quezon City at Maypajo Market sa Caloocan City.


Nauna rito, pinlantsa nina Sec. Gatchalian at ng DSWD-SLP team kasama ang mga opisyal DTI at initial list ng mga rice na apektado ng implementasyon ng price ceiling sa ibinebentang regular milled at well-milled rice alinsunod sa Executive Order No. 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Dagdag ng kalihim, maging ang mga sari-sari store na nasa paligid ng wet markets at public markets ay kwalipikado ring makatanggap ng P5,000 SLP subsidy.

Facebook Comments