Distribusyon ng 2nd tranche ng SAP sa Quezon City, on going na

Nagsimula na ang pamamahagi ng pamahalaang lokal ng Quezon City ng ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP) cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Target na mabigyan ng ayudang pinansyal ang 356,818 beneficiaries sa Quezon City.

Sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte na mas higit kailangan ngayon ng mahihirap na pamilya ang naturang ayuda lalo pa’t ibinalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lungsod.


Sa datos ng DSWD, sa 377,584 na benepisyaryo, 16,406 dito ay duplicate o nakatanggap na ng tulong mula sa ibang programa ng gobyerno.

Habang ang mga datos para sa natitira pang 4,000 beneficiaries ay nangangailangan pang ma-update. Mahigit 217,000 pamilya na waitlisted mula sa unang tranche ng SAP ang naisama na at napondohan na rin.

Magbibigay rin ng tig ₱4,000 financial assistance ang Local Government Unit (LGU) sa bawat pamilya na hindi mabibigyan ng cash aid ng national government pagkatapos ng MECQ sa August 18, 2020.

Facebook Comments