Distribusyon ng ayuda sa mga naapektuhan ng COVID-19 crisis, naka-depende sa mabilis na pagkilos ng LGUs ayon sa DILG

Iginiit ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nagpapatuloy ang distribusyon ng cash aid para sa mga naapektuhan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) crisis.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya, naibigay na sa lahat na Department of Social Welfare and Development (DSWD) regional at field offices ang pondo ng COVID-19 cash aid na galing sa Bayanihan Act.

“Distribution of support from the national government, full blast na ang DSWD diyan. In fact, before good friday, ang report po sa’min ay downloaded na to all DSWD regional and field offices yung pondo galing sa Bayanihan Act.”


Aniya, mabilis ang pagbibigay ng tulong pinansyal na galing sa gobyerno kung mabilis kumilos ang Local Government Units (LGUs) lalo na sa pagbibigay ng form sa mga residente at maibalik muli ang form sa DSWD para ang pondo ay mai-transfer na sa LGUs.

Ayon pa kay Malaya, mabilis ang pamamahagi ng cash assistance at sa katunayan ay nasa 10 lungsod na sa Metro Manila ang nakatanggap ng tulong mula sa gobyerno.

Nilinaw din niya, dapat kasama ng mga LGU ang mga kapulisan para tumulong tuwing releasing ng nasabing ayuda.

“Ang kasama po talaga sa payout is the police, so maliwanag po yung instruction ni Sec. año sa ating kapulisan na where ever there’s a payout, ‘yong police precint or police station na may jurisdiction over that barangay, should be there to assist DSWD and the LGU distribute the fund.”

Facebook Comments