Agad na ipinag-utos ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Felimon Santos sa kanyang staff officers na planuhin ng maayos ang gagawing distribusyon ng vaccine para sa COVID-19.
Ito ang sinabi ni AFP Spokesperson Major Gen. Edgard Arevalo makaraang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipauubaya niya sa AFP ang pamamahagi sa vaccine.
Sinabi ni Arevalo, natutuwa ang AFP dahil sa malaking tiwala sa kanila ng Pangulo.
Kanina, inanusyo ng Pangulo na may posibleng mapagkukunan na ng vaccine bago mag-Disyembre.
Magiging prioridad aniya na makakatanggap ng vaccine ang poorest of the poor.
Facebook Comments