Tiniyak ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na walang pinapaborang siyudad o probinsya sa pamamahagi ng COVID-19 vaccine.
Kasunod ito ng pahayag ni dating Health Secretary at ngayon ay Iloilo Congresswoman Janette Garin na may palakasan system sa distribusyon ng mga bakuna kontra COVID-19.
Giit ni Galvez, ang mga bakuna ay dumadaan sa mga Regional Centers for Health Development ng Department of Health (DOH) gayundin sa mga alkalde ng mga highly urbanized area.
Aniya, hindi maaari ang nais ni Garin na ibigay sa kaniya ang supply ng bakuna dahil maguguluhan ang ibang Local Government Units (LGUs) lalo na’t hindi naman sila kabilang sa mga lineage ng distribution.
Kumpiyansa naman si Galvez na kayang makapagturok ng national government ng hanggang 70 milyong first dose ng COVID-19 vaccines sa Nobyembre.