Distribusyon ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas na mula China, posibleng sa Disyembre hanggang unang quarter ng 2021

Inaasahang magkakaroon na ng mass production ang China sa Sinovac, ang sinasabing bakuna kontra COVID-19 sa darating na Nobyembre at posibleng sa Disyembre ngayong taon o sa unang quarter ng 2021 ay masimulan na ang distribution nito.

Ito ang sinabi ni Philippine Ambassador to China, Chito Sta. Romana, kasunod nang isinasagawang phase 3 ng clinical trials sa Sinovac sa China at iba pang bahagi ng mundo.

Ayon kay Sta. Romana, kabilang ang Pilipinas sa listahan ng China na mabibigyan ng prayoridad sa COVID-19 vaccines.


Samantala, tiniyak naman ni Budget Secretary Wendel Avisado na may budget na nakalaan ang gobyerno para sa pagkakaroon ng cold storage facility para pag-imbakan ng mga aangkating bakuna kontra COVID-19.

Paliwanag nito, hindi papayag si Pangulong Rodrigo Duterte na masayang ang pagkakataon na mauuna tayo o kasama sa prayoridad ng China na mabigyan ng COVID-19 vaccines.

Facebook Comments