Distribusyon ng ECQ ayuda sa mga residente sa QC, nasa 90.71% na

Halos patapos na ang pamamahagi ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ayuda sa Quezon City.

Nasa 90.71% na ng mga qualified na residente ng QC kasi ang nakatanggap ng ayudang pinansyal ng national government.

Base sa datos, may 716,447 na pamilya o 2,251,282 na mga indibidwal ang nakakuha na ng financial aid na pinasimulan noong April 7.


Kabuuang 840,105 na pamilya o 2,481,947 na mga indibidwal na lubhang naapektuhan ng ECQ ang asahang makakatanggap ng benepisyo.

Kinakatawan nito ang 80% ng kabuuang populasyon ng lungsod.

Sa ngayon, may 123,658 na pamilya pa ang hindi pa nakakakuha ng kanilang financial aid.

Facebook Comments