Distribusyon ng educational assistance sa hard-hit areas ng Bagyong Florita, posibleng ma-delay – DSWD

 

Posibleng ma-delay ang distribusyon ng educational assistance sa mga lugar na matinding sinalanta ng Bagyong Florita.

Kabilang dito ang mga probinsya sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

Sa interview ng RMN Manila, pinayuhan ni DSWD Asec. Romel Lopez ang mga aplikante na bisitahin ang official Facebook page ng DSWD regional offices para malaman kung kailan maipagpapatuloy ang pamamahagi ng student cash aid.


“Yun pong mga badly affected, inaasahan po na ma-delay po yung kanilang educational [assistance] payout pero just the same, sa information po na natanggap ko, yung CAR ay ipagpapatuloy po yung pamamahagi nila ng educational assistance,” ani Lopez.

Tiniyak din ng opisyal na nakalatag na ang pondo ng DSWD para sa educational assistance sa mga nabanggit na rehiyon.

 

Facebook Comments