Distribusyon ng fuel subsidy vouchers para sa mga PUV driver, minamadali na ng LTFRB

Minamadali na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng fuel subsidy vouchers para sa mga public utility vehicle o PUV driver.

Ito ay matapos na aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng P3 bilyon pondo na layon matugunan ang epekto ng patuloy na pagtaas na presyo ng mga produkyong petrolyo.

Nakatanggap na ng direktiba ang LTFRB mula sa Department of Transportation (DOTr) para agad ipamahagi ang fuel assistance sa mga PUV driver kapag na-download na ng ahensya ang pondo.


Nasa P10,000 ang matatanggap ng mga operator ng modernized public utility jeepneys (MPUJ) at modernized utility vehicle express (MUVE).

Habang P6,500 naman para sa traditional PUJs, traditional UVs, at public utility buses, P1,200 para sa mga delivery service operator, at P1,000 para sa mga tricycle operator.

Sa kaabuuan, nasa 1.36 milyon na mga PUV driver ang makatatanggap ng fuel subsidy mula sa pamahalaan.

Facebook Comments