Distribusyon ng J&J vaccine, dapat iprayoridad sa NCR plus 8 – OCTA Research

Umapela ang OCTA Research Group sa pamahalaan na gawing prayoridad sa distribusyon ng Johnson & Johnson COVID-19 vaccine ang NCR Plus 8.

Ayon kay OCTA Research Fellow Prof. Ranjit Rye, hindi dapat mabahiran ng pamumulitika ang pamamahagi ng mga bakuna.

Aniya, dapat pa ring masunod ang prioritization sa distribusyon nito dahil ito ang magiging susi para mapagtagumpayan ang COVID-19.


“Kung kakaunti ang supply mo, dapat po we have to make very efficient not just the way we jab, but make each jab count. And iyong NCR Plus 8 ho – kasi po nawawatak – ang fear namin baka nawawala ang focus dito sa NCR Plus 8 po. Ang NCR Plus 8 po, kapag ginawa ng gobyerno, hindi lang niya tinutulungan ang NCR Plus 8, tinutulungan niya ang buong bansa, kasi babagsak ang COVID cases doon sa lugar na iyon, mabubuksan ang ekonomiya sa mga lugar na iyon. At iyong effect ng dalawang bagay na ito, will have impact all over the country, kasi ang pagkalat po ng COVID, nanggagaling po dito sa NCR Plus eh,” ani Rye.

Giit pa ni Rye, kung mababakunahan lang ang kahit 20% ng mga taga-National Capital Region, maaari ng maisailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa NCR Plus 8.

Sa ngayon kasi ay tanging 10% pa lamang ng mga taga-Metro Manila ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Facebook Comments