Distribusyon ng mga produktong pang-agrikultura, kailangang ayusin bilang paghahanda sa krisis sa pagkain sa buong mundo

Iginiit ni Senador Imee Marcos na kailangang maitama sa madaling panahon ang maling distribusyon ng mga produktong pang agrikultura mula sa mga magsasaka tungo sa mga konsyumer.

Sabi ni Marcos, ito ay bilang paghahanda sa napipintong krisis sa pagkain sa buong mundo sa taong ito.

Diin ni Marcos, ang isang epektibong sistema ng distribusyon ay hindi lang tutulak sa produksyon ng pagkain at supply nito kundi magbibigay rin ng kalinawan sa dami ng bigas, asukal, gulay, isda, karne ng baboy, baka at manok na kailangang angkatin ng ating bansa.


Giit ni Marcos, kailangan nating ilipat ang daloy ng kita mula sa mga kartel ng importasyon tungo sa mga lokal nating mga magsasaka at maihatag ang pinakamurang presyo ng pagkain sa publiko.

Para makamit ito ay iminungkahi ni Marcos na kailangang buhayin ng susunod na administrasyon ang “buong orihinal na sistema ng Kadiwa” at palawakin ang programang hihikayat sa mga batang magsasaka na dagdagan ang suplay ng pagkain sa ating bansa.

Facebook Comments