DISTRIBUSYON NG PAMASKONG HANDOG, NAGPAPATULOY

CAUAYAN CITY- Patuloy ang ginagawang pamamahagi ng Pamaskong Handog sa mga residente ng Santiago City.

Ang pamamahagi ay pinangunahan ni City Mayor Atty. Sheena Tan kasama ang mga city officials upang maghatid ng pamaskong handog at saya sa mga Santiagueño.

Matatandaang una ng napamahagian ang mga benepisyaryo mula sa Brgy. Sta. Rosa, San Jose, at Luna noong ika-29 ng Nobyembre habang sumunod naman ngayong araw ika-4 ng Disyembre ang Brgy. Mabini, Malvar, at Nabbuan.


Bukod naman sa pamaskong handog ay may inihanda rin ang LGU Santiago na iba’t-ibang palaro para sa mga residente ng lugar.

Samantala, ang nasabing programa ay isinasagawa taon-taon sa nasabing lungsod kung saan patuloy rin ang ginagawang distribusyon ng iba pang Lungsod at munisipalidad sa lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments