Distribusyon ng pandemic allowance sa mga healthcare workers, posibleng sa 2026 pa matatapos

Posibleng sa taong 2026 pa makukumpleto ng Department of Health (DOH) ang pamamahagi ng health emergency allowance para sa lahat ng healthcare workers.

Aabot pa kasi sa 2 milyon healthcare workers mula sa 10 milyong medical workers ang hindi pa rin nabibigyan hanggang sa ngayon ng pandemic allowance na aabot pa sa P62.9 billion.

Ito ang inamin ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa pagharap nito kahapon sa confirmation hearing ng Commission on Appointments (CA).


Dahil dito, maaari pang abutin ng hanggang tatlong taon o hanggang 2026 ang pagbabayad sa naantalang allowance ng mga healthcare workers na nagsilbi noong panahon ng pandemya.

Itinuturo ng kalihim sa mababang koleksyon ng buwis noong 2021 at 2022 ang pagkabinbin sa pagpapalabas ng pondo ng Department of Budget and Management (DBM) para sa allowances.

Para sa taong 2022, P22 billion ang inilaan para sa allowances, P25.96 billion ngayong 2023 habang P22 billion ulit ang alokasyon para pandemic allowance sa 2024.

Facebook Comments