DISTRIBUSYON NG PLAKA SA REGION 1, TULOY MATAPOS ANG BAGYO

Nagpapatuloy ang puspusang distribusyon ng plaka ng sasakyan sa Ilocos Region matapos ang pananalasa ng bagyo at bagyo.

 

Sinisita din ang mga sasakyan na walang plaka upang magabayan na bumalik sa kanilang dealers upang makuha na ang plaka bilang paghahanda sa istriktong implementasyon ng polisiya.

 

Nauna nang pinalawig ang operasyon ng district offices ng Land Transportation Office hanggang Sabado upang mas maraming motorista ang makakuha nang plaka.

 

Ilang tanggapan sa bansa ang nagpahayag na LTO na mismo ang mamimigay sa mga hindi pa nakukuha ang plaka.

 

Bukod pa rito, maaari nang makita ng motorista sa website ng LTO kung available na ang plaka at direkta nang kunin sa pinakamalapit na opisina kalakip ng orihinal at photocopy ng Official Receipt and Certificate of Registration, at ID ng rehistradong may-ari.

 

Aalalay din ang kapulisan sa kampanya ukol sa distribusyon ng plaka sa mga municipal at barangay police station.

 

Layunin na mapigilan ang pagbyahe ng mga sasakyan na walang opisyal na plaka at mapigilan ang insidente ng hindi rehistrado o ninakaw na sasakyan upang mapanatili ang kaligtasan sa mga kakalsadahan.

Facebook Comments