Distribution ng bigas sa merkado, hindi pa rin basta-basta

Kahit pirmado na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng rice tariffication law hindi pa rin basta makapagpapakalat ng bigas sa merkado ang National Food Authority (NFA).

Sabi ni NFA OIC Administrator Tomas Escarez, maaari na lang nila itong gawin tuwing may emergency.

Gayunman aniya, kailangan ay aprubado pa rin ito mula kay Agriculture Secretary Manny Piñol o kaya ay sa Pangulo ng NFA council.


Ayon pa kay Escarez, posibleng ibenta nila ang buffer stock sa pamamagitan ng subasta.

Pero hindi naman matiyak ni Escarez kung mananatili ito sa mababang presyo tulad ng P27 per kilo na NFA rice.

Lalo pa aniya na nasa P20.70 kada kilo ang bili ng NFA sa mga magsasaka.

Facebook Comments